from joncabron.com

pag nagmahal ka dapat handa ka laging masaktan dahil pag pumasok ka sa pakikipag relasyon dapat alam mong hindi lang puro kasiyahan ‘yun, dahil pag pinapasok mo ang isang tao sa buhay mo hindi mo lang s’ya binibigyan ng karapatang pasayahin ka, binibigyan mo rin s’ya ng kalayaan na saktan ka. kung hindi ka handang masaktan, ‘wag kang pumasok sa isang relasyon. kung hindi mo mapigil ang sarili mo, subukan mo pero ‘wag kang umasa. dahil madalas, nasasaktan lang naman ang tao pag umaasa s’ya ng sobra sa ibinigay sa kanya  kaya minsan turuan mo ‘yung sarili mong wag umasa ng sobra.

ang pagmamahal ay kusa, ang pakikipag relasyon.. obligasyon.
kung ayaw mo ng obligasyon, magmahal ka lang ‘wag kang papasok sa relasyon

Notes